Ticket sa Tawag ng Tadhana

Sa sobrang excitement ko nung Linggo, 4 Sep,2016, nakapagsulat-kamay ako ng tuloy-tuloy ng isang maikling sariling-kathang istorya ng walang salamin sa loob ng 20minutes. Tipong paunang pagsusulit to para sa aking Application para mapabilang at magka-ticket sa isa sa pinakaaabangan kong paglalakbay: Trip To Quiapo. Sama kayo.

0-02-01-01f419ad77123ce11b93c21c0f7f2b75d135c64c5d2a94093b6ef1dcec910dcc_full

Di ko masasabing madugo ang proseso ng pagpili ng magkakaTicket, mas malapit yata kung sasabihin kong ang proseso ay parang sasalok sa dagat ng kahilingan at wish ko lang, sasalain ng embudong salay-salay ng kaisipan, ihahain sa interview, aarukin ang baul ng karanasan, gagawa ng istorya sa isang iglap at isa lang pangungusap. Kapag manipis ka na at wala ka ng ego, tsaka ka pa lang malamang, baka sakali, makapasok sa butas ng karayom. Pero hindi pa ticket yun.
0-02-01-9ba1f293830801b6b9b65cea160d1fef09c171d720b115e45aae221db57d7252_full

Madaling araw pa lang naghanda na ko makapunta sa UP Diliman. Ritwal ang paglabas ko ng bahay. Mula sa klase ng sabon, ilang ulit magsasabon, paaano magbabanlaw, pagpapatuyo, pagpapahid ng derm restorer, tapos pahid uli pagkatuyo. pagpapatuyo uli. Tsaka pa lang malalapatan ng damit ang aking katawan. Ang tagal, proseso din, pero kailangan. Pagkatapos noon dalawang oras hanggang tatlong oras na byahe sa tatlong sakay. Ayos. In between, there is always Street Photography, kaya hindi nakakainip.

0-02-01-59da7adc70b317662baaffa4ee2e9366baf8e0f8a2d5d7eee390ab84ebb7dfde_full

Nadismaya ako ng bahagya nung lumiko pakanan isang kanto bago mag-Oble. Sunday nga pala ngayon at ang UP IKOT ay magiging UP Paikot-ikot. Langya yan imbes na sa may Oble na ko bababa, hihintayin ko pang makarating sa UP Film Institute yung jeep, ang bad trip pa, dun ako nakababa sa Bahay ng Alumni, malayo pa ring lakarin. Trip nga.

0-02-01-2c5ff1458c7191fc55c174b5155db44d8516f4a6d28b13a24c74807d797fd4fa_full

Malayo-layo pa sa UPFI, batid mo na agad dun ang activity, daming taong palakad-lakad may kanya-kanyang dala-dalang mga papel. Kahit may kanya-kanyang galaw, may magtuturo naman kung saan ka pupunta. Proseso. Kahit may bombahan nung Biernes, di naman ganun kahigpit ang mga gwardya, binuksan ko ang bag kong may dalawang hiram na camera, kinunan ko mula sa hiram din na iphone ang kapaligiran. Game time na kumbaga. Etong iphone-tsik na lang ang gagamitin ko, sa bag na lang yung dalawang camera para medyo mas imbisibol.

0-02-01-c2fded1ca0c3f3f2282672b87bc5d570174a5faaece00e43d9023e10ca0d00bb_full
Organisado ang inampalan. Sumipa ang excitement ko nung makita ko kaagad si Ricky Lee mula sa kalayuan, ang tingkad niya at nangingibabaw sa karamihan ng mga nagagandahang volunteer na nakasuot ng black Tshirt. Uli, hinatid ako ng mga nakaturong kamay sa lugar ng aking pangalan. Andun pala ang mga sinagutan naming mga questionnaires online at ini-abot sa akin ang baraha ng papel. Hawak ko in print ang sagot ko sa questionnaires na bagamat parang sukatan ng interes, nagsilbing papel din kung saan pwedeng isambulat ang damdamin. Binalikan ko kung paano ako natuwa sa tanong na introduce mo ang sarili mo sa saddest o happiest moment mo. Sa dulo ng mga dahon, kalakip ang pangalan ko, may nag-iisang tanong na ngayon pa lang binato: ang gumawa ng istorya halwa sa kanilang mga pamagat. Pinili ko ang “Multo ng Kahapon”. Sandali ko lang tinira, parang may template na ko sa isip ko. Ihi muna, upo, nalimutan ng mag-antipara, sulat, bigay.
0-02-01-87a98be9f330a8eb89781b99a1a13ca5077250cd96a2e49dec17738fd2580a86_full

Binigay ko sa baba yung papel ko. Kala ko may interview uli. Napakadaming tao sa bulwagang itim ang pintura, litaw na litaw ang mga mukha at gawi nila. Iba’t ibang hugis, iba’t ibang edad, iba’t iba rin ang ginagawa, pero sa tagpong yun, parang pantay-pantay lang para magkaroon ng Ticket para sa Trip To Quiapo. Pinapaupo ako ng volunteer, kala siguro dahil matanda na ko, kailangan ko ng umupo. Problema lang, di ako mapakali kapag nakaupo. So shoot, pano, shoot.  Hanggang sa tinawag na pangalan ko, at pangalan ng iba. Magkakagrupo pala kami para sa isang interview dun sa Plaridel Hall. Pila daw kami. Putik na yan, di rin ako mapakali kapag nakapila, buti na lang paglabas ko ng bulwagan nakita ko si Marco, classmate ko sa MastersClass in PhotoDocumentary. Tumiwalag ako sa hanay. Kwentuhan muna.
0-02-01-fc2608b0289a47d43392a18b8fc3a9aa1ffd7d6f1a3898d04f722067dbf3ab9b_full

Habang masaya kaming nagkamustahan ni Marco, palayo na ng palayo na yung grupo ko for interview, hanggang sa nilamon na ng karamihan ng tao. Sabi ko matatagpuan ko din ang ang mga yan sa Plaridel Hall. Nag-apply din ala si Marco at hinihintay na lang nyang matawag ang pangalan niya. Probema lang binolock daw yung application niya para may kasama si Grasya sa  photo-cover ng event. Siya namang dating ni Grasya. Si Grasya ay dati ng nakasama sa Trip To Quiapo nung 2002. Umaatikabong tawanan ang sumunod na tagpo sa usapan naming tatlo, may nadulas pa sa hagdanan na di ko nakuhanan. Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Papaano ako makakapunta sa Plaridel Hall ngayon?
0-02-01-3c773bab0bc9f0c2ea4db97c91fd45eedcb2eed34e6743afac0191a8b63433b5_full

Mabuti na lang bumalik yung volunteer na si Frank at tinanong ko kung kamusta na? Babalik daw siya dun at mabuti na lang din may payong. E di punta kami dun. Kabilang building lang pero sa lakas ng ulan at liit ng payong parang ang tagal naming narating ang hagdan ng building. Inspection uli. Nakakita ako ng taho, di pa pala ako nakakapag-almusal halos alas-onse na, bili muna ako ng taho. Tapos lakad na kami ni Frank. Andami ding tao, sa tagpo ito, tahimik sila, halos hindi naguusap. Hanggang bumukas ang pintuan nakita ko kaagad si Binibining Joyce Bernal, all smiles, kala ko para sa kin, yun pala yung nasa likod ko. Matapos nung kamustahan nila, binati ko kaagad si direk, tapos selfie. Hehehe, feeling close.
0-02-01-1e15218672eb7dbf2887c26e91db6414f46bd1292cf36bd505210fbcd04a4516_full

0-02-01-74292d46415f80da26e2497e7ff441a68b3c07ff9cb5c92fbdad6d9ace446db2_full

Nakita ko uli yung grupo, at minostra na naman ng volunteer ang upuan. Hindi na naman ako umupo. nagpalakad-lakad, nagpicture-picture. Libang na libang ako sa ginagawa ko, pinapasok na pala yung grupo sa loob ng hindi ko nalalaman. Hanggang tinawag uli ang pangalan ko, dali-dali ako.
0-02-01-a02b77b0c2a190502844717f2d1ded3f187a24ee0d222d529ae9fca0b195c6fb_full

0-02-01-093eb918b230fde79d1d7409e1892fe3c88d55d8351bc5dbdb29b9718abf3f5b_full

Eto na ang interview. Andun sa mesa ang apat sa grupo ko at ang nag-iinterview ang dakilang  Gina Marissa Tagasa, Creative Manager ng ABS-CBN, manunulat ng Valiente, Dyosa, Mga Mata ni Anghelita at iba pa. Nung nagpakilala siya, naitanong ko pa sa kanya: Mam kayo ba yun? Fan nyo ko.
0-02-01-c809d1ceb499713d841353a3ae799d25c53b09d157ce838df65a5c1b2be6db0b_full

Pagpapakilala ang unang yugto ng Interview. Isaad mo daw ang baul na pag-gagalingan ng iyong mga istorya, pwede mong isaad, pero di ibig sabihin, kwento mo talambuhay mo. Masaya din. Kanya-kanyang trip. Kanya- kanyang karanasan. May estudyante, may intelektuwal, may maliit na artista, may humuhugot. Ang sumunod ay ang kambal na tanong  paano kung di ka matanggap? at bakit ka naman tatanggapin? Ang sarap makinig at ang sarap ding ibida ang sarili, pero mas masarap ma-imagine paano nga kung script-writer ka na?

Rumolyo ang katanghalian at walang tumatayo para magsabing gutom na ko. Nagsimula ng magbigay ng pack lunch yung mga volunteer, kala ko meron kami. Wala. Pero tuloy ang usapan. Naging mala-workshop ang usapan. Eto ang premise- palawigin mo. Mas sumaya ang talakayan at parang nalimutan na ang tanghalian, bagamat pinasasabik ng ulan ang tiyan. Ang sarap i-detalye ng talakayan, maliwanag pa sakin ang lahat, pero tatago na lang muna. Sa huli ay binato ang pag-gawa ng logline. Kung gagawa ako ng logline ng Interview na yun, gagawin kong bida si Mam Gina: Isang batikang manunulat na inatasang makipagusap at alamin sa pamamagitan ng pagtatanong sa limang aspirante ang lalim ng kanilang karanasan, kaalaman, bilis ng pag-iisip, at linaw ng pagpapahayag  kung sino sa ang pwedeng bigyan ng Trip to Quiapo. Yun. Matapos ang group shot, kamayan kwentuhan uli, pangako sa FB, at paghihiwalay. Lahat ng aspirante umaasa na sana ay makasama sa Trip.
0-02-01-377188b7f70402efd962e6ffcc6ff6811aa5da42da28dd788b901969d7c0f9d8_full
Bumalik ako sa lobby ng UPFI at hinanap si Marco at Grasya. Nakita ko si Grasya pero di na si Marco, di bale sa FB na lang. Bago umuwi, nakita ko uli si Ricky Lee. Kung may pera ako noon, bibili ako ng mga libro nya at magpapa-pirma. Di bale na lang, ay dadaig pa ba sa selfie?
0-02-01-849786f2ead48677c27fa0b45c649e39616665e50bb57e92982615d430e0de56_full
Uwian na.

0-02-01-9364262a768e628e52b43b3eeb8799d0a5d75f4a190cca36d3c5f4332a878e7a_full

0-02-01-debda28d3b3e212c1b6417033066f37767462327a7023f5dba7a31dde12d6b0b_full
Noong pauwi, habang nagmumuni-muni sabi ko, kakaibang karanasan din to, ang daming mahuhusay, matatalino at magagaling sa pagtitipon na yun, lahat ng kulay andun na. Sabi nga ni Grasya, pag nakasama ka sa Trip to Quiapo, “it is either mahusay ka talaga o nagkamali sila”. Sa kalagayan kong ito, pwede na nila akong tawagin Tatang at ang pagsama ko sa Trip To Quiapo ang Himala ng Panahon.

Advertisements

2 thoughts on “Ticket sa Tawag ng Tadhana

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s